Friday, September 1, 2017
“Ikalimang Istasyon” Hugot mula sa Takbo Para sa Wika (By Eric Jeffrey Arriola)
“Walang
Poreber”, yan ang madalas na wika ng mga millenials sa kasalukuyang panahon at
ito’y aking napag-tanto na may katotohanan. Ito ay sa kadahilanang ang akala
kong “Dulo na walang hanggan ay may katapusan” at ito ang Ikalimang Istasyon ng
takbo para sa wika na aking natapos at napag-tagumpayan.
“Di nakatulog kakaisip sayo”, madalas
na mangyari sa mga taong iniisip ang kanilang mga hinahangang babae o
kalalakihan sa madaling salita ito ang kanilang “crushes” ngunit sa
pag-kakataong ito ang sobrang pag-iisip ko ay nakatuon lamang sa “Fun Run”
activity kinabukasan kung ito ba ay aking maabutan at maabot ang dulo ng
katapusan.
“Pinilit at tiniis ko kahit mahirap
para lang sayo”, mahirap oo… ito ang pag-bangon sa umaga kahit na halos di ka
na nakatulog upang maaga ring makapag-prepare at makapag-byahe patungo sa
aktibidad na akin ng nasambit.
“Tumayo, lumakad, tumakbo,
nakipag-siksikan, nasaktan”, nasaktan ako dahil natapilok sa pag-kakapatid sa
sa isang maliit na tuldok. Tuldok na nawari kong isang maliit na batong
humarang sa aking tinatahak na landas ngunit ito ay hindi dahilan upang makamit
ko ang hinahangad na dulo ng katapusan.
“Sobra akong kinilig ng ma-Kita
Kita” Ang Ikalimang Istasyon ditto nag-tatapos ang hirap na dinanas ko sa
pag-gising ng maaga, pag-titiis na tahakin ang landas na may balakit, ang
pagod, ang hapo at hingal sa pag-takbo ay nawala ng Kita Kita. Ito ay ang
“Station Slip” na may nakatalang “Ikalimang Istasyon, Bangngunan” na
nag-papahiwatig na tapos na at ang wakas ay nakamit ko na.
Hindi lamang ang mga hugot na ito
ang maituturing kong detalyeng nakuha sa aktibidad na ito pagkat bawat
istasyong iyong titigilang o daraanan ay nariyan ang mga station slip na
mag-tuturo sa iyo ng mga bagay na sa atin lamang makikita bilang parte ng ating
kultura at hango sa wikang ating minamahal.
“Ikalimang Istasyon” ay ang nag-turo
sa akin kung ano ang Bangngunan ito ay larong etniko sa dabao. Labanan ng
dalawang manlalaro na nakahiga nang pabaliktad sa sahig habang mag-kahawak ang
mga braso at nakataas ang tig-isang paa na nakasalungat. Upang manalo sa larong
ito, kailangan mailapat sa manlalaro ang binti ng kalaban sa sahig hanggang sa
ito ay mapatayo. Saklaw ito sa palabas ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” at ang
pag-wawakas na ito ang aking maituturing na pinaka-masayang bahagi ng araw na
ito.
Saturday, August 19, 2017
Online Journ Back Up Images
anime Blogs photos ________________________ _____________________________________ Header Images ____________________________ _________________________ SYSTEM REQUIREMENTS __________________________________ _________________________ PC Games Installers __________________________________ ___________________Android GAmes_______________ _________________Movie__________________________ _______________________ LIVE ACTION _____________________________