Vj Eric (Anime and Cosplay OtaKu) アニメ オタク X3"

Azumi Kira
All About The Hottest Anime and Cosplayer's All Over Asia X3
Eric Jeffrey Arriola

HOME  |  BIO  |  MEDIA  |  ANIME  |  COSPLAY

See my Official Page
Shout Out What Anime, Manga, And Cosplay Goddesses You Like Me To Add Up in My Web Page ^.-,\/..



2012 VJ.EriC ALL RIGHTS RESERVED
videokeman mp3
VjEric WebPage

Friday, September 1, 2017

“Ikalimang Istasyon” Hugot mula sa Takbo Para sa Wika (By Eric Jeffrey Arriola)







              “Walang Poreber”, yan ang madalas na wika ng mga millenials sa kasalukuyang panahon at ito’y aking napag-tanto na may katotohanan. Ito ay sa kadahilanang ang akala kong “Dulo na walang hanggan ay may katapusan” at ito ang Ikalimang Istasyon ng takbo para sa wika na aking natapos at napag-tagumpayan.
            “Di nakatulog kakaisip sayo”, madalas na mangyari sa mga taong iniisip ang kanilang mga hinahangang babae o kalalakihan sa madaling salita ito ang kanilang “crushes” ngunit sa pag-kakataong ito ang sobrang pag-iisip ko ay nakatuon lamang sa “Fun Run” activity kinabukasan kung ito ba ay aking maabutan at maabot ang dulo ng katapusan.
            “Pinilit at tiniis ko kahit mahirap para lang sayo”, mahirap oo… ito ang pag-bangon sa umaga kahit na halos di ka na nakatulog upang maaga ring makapag-prepare at makapag-byahe patungo sa aktibidad na akin ng nasambit.
            “Tumayo, lumakad, tumakbo, nakipag-siksikan, nasaktan”, nasaktan ako dahil natapilok sa pag-kakapatid sa sa isang maliit na tuldok. Tuldok na nawari kong isang maliit na batong humarang sa aking tinatahak na landas ngunit ito ay hindi dahilan upang makamit ko ang hinahangad na dulo ng katapusan.
            “Sobra akong kinilig ng ma-Kita Kita” Ang Ikalimang Istasyon ditto nag-tatapos ang hirap na dinanas ko sa pag-gising ng maaga, pag-titiis na tahakin ang landas na may balakit, ang pagod, ang hapo at hingal sa pag-takbo ay nawala ng Kita Kita. Ito ay ang “Station Slip” na may nakatalang “Ikalimang Istasyon, Bangngunan” na nag-papahiwatig na tapos na at ang wakas ay nakamit ko na.
            Hindi lamang ang mga hugot na ito ang maituturing kong detalyeng nakuha sa aktibidad na ito pagkat bawat istasyong iyong titigilang o daraanan ay nariyan ang mga station slip na mag-tuturo sa iyo ng mga bagay na sa atin lamang makikita bilang parte ng ating kultura at hango sa wikang ating minamahal.
            “Ikalimang Istasyon” ay ang nag-turo sa akin kung ano ang Bangngunan ito ay larong etniko sa dabao. Labanan ng dalawang manlalaro na nakahiga nang pabaliktad sa sahig habang mag-kahawak ang mga braso at nakataas ang tig-isang paa na nakasalungat. Upang manalo sa larong ito, kailangan mailapat sa manlalaro ang binti ng kalaban sa sahig hanggang sa ito ay mapatayo. Saklaw ito sa palabas ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” at ang pag-wawakas na ito ang aking maituturing na pinaka-masayang bahagi ng araw na ito.

0 comments:

Post a Comment