Project ng CvSU
|
Construction of Covered
Walk and Concreting of Dormitory Walk/Road --- so this is the new project of
the CvSU Main Campus. Sana man lang matapos ‘tong project na ‘to. Karamihan
kasi sa mga project ng University hindi natatapos puro simula lang gaya na lang
nung sinasabing mall ng University near Gate1 pati yung pagrerenovate ng
dormitory ng boys. Almost 3 years na ata yun ginagawa hanggang ngayon hindi pa
din tapos. Itinigil na nga ata yung pagrerenovate nun kaya ayun ung mga boys
hirap sa paghahanap ng boarding house. Tapos eto nga sinisimulan na nila ulit
magpagawa ng panibagong project, yung Covered Path Walk. Hopefully hindi
mahinto yung paggawa nito. Sana kahit yon man lang project na yon e matapos. As
far as I know the main reason kung bakit hindi matapos-tapos ang mga projects e
dahil kulang sa pondo ang school na hindi mapaniwalaan ng karamihang estudyante
kung paanong nagkulang. Sabagay sa dami nga ba naman ng mga estudyante ng CvSU,
nasa 10,000 ata tapos sasabihin kulang sa pondo. Unbelievable talaga! Ever
since na pumasok ako sa University na ‘to wala pa ata akong nakikitang
improvement kundi yung Gate at guardhouse ng Gate2 isama pa yung infirmary saka
yung building ng PhilCross. Sana naman maisipan nilang magdagdag ng classrooms
dito sa Main Campus lalo na sa CAS palagyan na din nila ng ceiling fan. Ang
hirap kaya magklase sa mainit na classroom. May ceiling fan nga, wireless
naman. Yung ibang laboratory room dinaig pa ang inabandona. Sira-sira yung
cubicle pati upuan at air-con tapos puro tambak. Sino nga ba naman ang
gaganahan magklase kapag ganun. Kulang na lang ay silaban ang room. Dapat kasi
tapusin muna ang isang project before magstart ng panibago lalo pa at ganyang
walang natatapos sa mga pinagagawa nila. Sayang naman kung hindi matatapos bawat
project. Isa pa dapat pinapriority nila yung mas kailangan.
Another thing is yung
sistema ng CvSU. Kung kailan ata naging computerized lalong bumagal ang
sistema. Lalo na kapag enrollment. Yung COG ang tagal bago maiupload. Tingin ko
naman hindi ganun khirap magupload ng mga grades. Kaya nga ginawang
computerized para bumilis ang sistema e anong nangyari lalo atang naging bulok.
Tapos iisa lang ang pila na pagkukuhanan ng COG, Pre-reg at RegForm. Eto pa ..
kapag magbabayad ng tuition. Hindi malaman kung pila ba yun ng mag-eenroll o
pila para sa PBB. Mas gugustuhin ko pa maging late enrollee kesa
makipagsapalaran sa haba ng pila. Kaw ba naman ang pumila ng 7:30 tapos
matatapos ka e 3 na ng hapon. Bagya pa naisod ang pila dahil sa mga sumisingit.
My God! Kung hindi ba man makakapal ang mukha na alam naming pare-parehong
magbabayad ng tuition bago makikisingit pa. Talagang pagalingan lang ng
diskarte para hindi pumila ng mahaba.
CvSUeño morally upright
individuals nga ba?!
ui, may tapos na project :)
ReplyDeleteYug sa imus. ganda na daw dun :P