My Top 10 Lists of Songs:
Dance with My Father
Last Fight Out
DJ Got Us Falling In love
What Matters Most
Jesus Take the Wheel
If You’re Not the One
Like we Used to
Jar if Hearts
Right Here Waiting
Halo
Napakagandang
tingnan ng isang pamilyang kumpleto at masaya. Kaya naman minsan hindi ko
maiwasang mainggit sa kanila.
Dance with my
father
--- hindi
madaling mawalan ng isang ama lalo na at biglaan at hindi inaasahan ang mga pangyayari.
So whenever I heard this song, nagiging emotional ako. January 20, 2006 ng kunin sa amin ang aking
ama. Heart attack at sakit sa bato ang cause of death na noon lang din namin
nalaman na may sakit pala siya sa puso tapos yung isang kidney niya hindi na
nagpa-function. Papa’s girl kasi ako so para sa akin hindi madaling tanggapin
na wala na siya. May mga oras na naiiyak ako pag naiisip ko siya at namimiss ko
siya. Pero syempre kahit wala na siya hindi ko pa din nalilimutan yung mga
pangaral niya sa akin. Sabi nga nila
wala ka ng magagawa kapag oras na ng isang tao. May dahilan si Lord kung bakit
may nauuna at may naiiwan. At kung anumang achievements ang makuha ko, para to
sa kanya kahit hindi nya to makita. At isa sa pinakamagandang regalo na maibibigay
ko sa kanila ng aking ina ay ang diploma ko pag nakatapos ako ng kolehiyo.
Iniisip ko na lang na nandyan lang siya para sumuporta sa aming magkakapatid.
0 comments:
Post a Comment