Konting
tyaga na lang graduation na. Hopefully walang maiwan sa aming batch.
Sabay-sabay sana kami makagraduate. Hooooh excited na akoooo!after graduation
syempre kanya-kanyang buhay na, kanya-kanyang plano at diskarte. Anjan yung may
mag-aasawa na pagkagraduate, mangingibang bansa for their future and so forth. Pero ano nga bang plano ko after graduation?
Simple lang naman pangarap ko, ang magakaroon ako ng magandang trabaho para
matulungan ko ang aking magulang sa pagpapaaral sa aking bunsong kapatid at
maiahon sila sa kahirapan. Ang drama teh?! Wala pa naman sa isip ko mag-asawa.
Jowa nga wala asawa pa kaya?! Haha!!!
Once na
makatapos at makagraduate ako ng kolehiyo, gusto kong magtrabaho sa isang
company wherein mai-aapply ko ang mga pinag-aralan ko. Gusto ko ako na ‘yung
taong bubuhay sa pamilya ko. Yung tipong nasa bahay na lang ang nanay ko habang
ako kumakayod para sa kanila. Alam ko din naman kasi na mahirap para kay inay
ang magturo araw-araw. Ikaw nga ba naman ang magturo sa loob ng mahigit
tatlumpung (30) taon ewan ko lang kung hindi ka mapagod. Araw-araw ka
magsasaway ng makukulit at maliligalig na bata nanjan pa yung may awayan tapos
bawat kilos sasabihin ng mga estudyante sa kanya. Oh my God?! Kalurkey! Gusto
ko kahit pano maibalik ko man lang yung utang na loob ko sa aking mga magulang
para sa pagpapalaki nila sa akin ng maayos. Syempre kung wala naman sila hindi
ko mararating ang kung anu ako ngayon at kung anong meron ako. Specially sa
tatay ko. Kahit wala na siya, kahit hindi ko sya makasama sa pag-akyat ko sa
stage para abutin ang diploma ko (kung matatapos at makakapasa), gusto kong
makita nya at madama na para sa kanya ang lahat ng paghihirap at tagumpay ko.
Gusto ko maging proud sya sa akin dahil naabot ko yung pangarap nila para sa
akin. (Grabe ha naiiyak na ako!)
by: Camille Abigail M. Rollan
200910643
0 comments:
Post a Comment