Saturday, February 25, 2012
Home »
» Preparation for Theses
Preparation for Theses
Yes theses na! konting tiis na lang graduate na kami! Pero syempre hindi basta-basta makakagraduate, kailangan muna ng theses at yun na nga ang ginagawa namin ngayon.
Well hindi madaling magtheses, sabi nga nila mahirap magtheses, magastos. Anyway, kahit anu namang gawin nating mga estudyante dadaan at dadaan talaga tayo sa point na magtitheses tayo. Hindi madaling magtheses, title pa lang hirap na sa pagiisip ofcourse you have to think a title na papatok, kailangan interesting kasi kung magtitheses lang din naman at wala lang naman e what for at nagpropose ka ng ganung klaseng theses. Effortless. Kaya naman kaming comsci eto stress dahil sa theses. Pero natural lang naman yun sa tulad naming nagtitheses.
So before kami nagstart at nagpasa ng capsule, nagtanong-tanong muna kami sa graduates ng computer science kung anu ba ang magandang itheses sabay nag-gather kami ng different information and idea at dun pa lang ramdam ko na ang hirap. Nakarating kami sa Manila in different schools to gather some related studies about our theses na wala naman kaming napala kundi nganga, nagsayang lang ng pamasahe pero kahit naman pano e masaya din naman kahit nagkainitan ng ulo makarating lang sa mga schools. Ikaw ba man ang pumunta ng Maynila ng hindi man lang alam ang specific na pupuntahan. Well kasama sa paglaki. haha. Atleast the next time na magpunta kami alam na namin kung pano at saan ang specific place di ba! So ayun nga wala kaming napala sa pagpunta namin sa Manila, nagsearch na lang kami sa internet ng related studies. Nagtanong-tanong sa mga kakilala kung may idea ba sila about the area until makapagdecide kami ni Kuya Eric na maggame development na lang. kapag kasi naririnig ko ang theses nakakastress sabay kutob hahaha. Sana lang magawa naming ng ayos ang theses. Ayoko kasing dumating sa point na hindi ako makagraduate dahil sa theses may time kasi na yung ibang estudyante kaya lang hindi nakakagraduate dahil late ang theses so I don’t want to experience kung ano ang naexperience ng iba. Nakakakaba pero kaya naman at kakayanin syempre, maipasa lang ang course na to.
by: Camille Abigail M. Rollan
200910643
0 comments:
Post a Comment